Libong Batangueño nakilahok ‘PRAYER RALLY’ PARA SA PEACEFUL BATANGAS IKINASA SA BAUAN

LIBU-LIBONG Batangueño ang nagtipon sa bayan ng Bauan para sa Prayer Rally para sa Mapayapang Batangas, na naglalayong itaguyod ang pagkakaisa, pananampalataya, at kapayapaan bago ang darating na halalan. Nagsimula ang programa sa isang ‘Walk for Peace’, 12:30 ng tanghali, simula sa Bauan Technical High School na nagtapos sa Plaza Orense. Sumisimbolo ang ‘Walk for Peace’ sa sama-samang adhikain ng mga Batangueño para sa isang mapayapa at maayos na halalan. Lumahok sa kaganapan ang iba’t ibang sektor ng lipunan, kabilang ang mga pinuno ng relihiyon, opisyal ng gobyerno, komunidad ng…

Read More

TRABAHO PARTY-LIST UMANGAT SA 2025 SWS SURVEY

TUMAAS nang 19 na pwesto ang 106 Trabaho Party-List sa Stratbase-SWS January 2025 pre-election survey na inilabas ng Social Weather Stations noong Biyernes. Mula sa pagiging top 54-55 noong December 2024 ay naging top 36 na ngayong January 2025 ang Trabaho Party-List sa mga napipisil na iboto ng taumbayan sa darating na halalan sa Mayo. Sang-ayon sa resulta ng survey ay nagpasalamat ang Trabaho Party-List sa opisyal nitong Facebook page: “Isang malaking tagumpay po na nagpapakita ng tiwala ang mga manggagawa sa ating layunin. Maraming salamat po!” Ang pag-angat ng…

Read More

9 TRIKE, 1 MOTORSIKLO INARARO NG MVP VAN, 5 SUGATAN

LAGUNA – Lima ang sugatan matapos araruhin ng isang Hyundai Stargazer MVP van ang siyam na tricycle at isang motorsiklo sa intersection ng Maharlika Highway at Miguel Leonor St., Brgy. II-E, San Pablo City, noong Huwebes ng umaga. Ayon sa na imbestigasyon ng San Pablo City Police, bandang alas-8:45 ng umaga, nakahinto ang mga tricycle at motorsiklo dahil sa traffic light nang biglang mawalan ng kontrol ang van na minamaneho ng retired employee na si Lina Baraoidan Torrizo, 71-anyos, at inararo ang mga nasa unahan nito. Makikita sa CCTV footage…

Read More

2 LALAKI SINITA SA ORDINANSA, ARESTADO SA SHABU

BAGSAK sa kulungan ang dalawang lalaki makaraang nakumpiskahan ng hinihinalang shabu nang sitahin dahil sa paglabag sa ordinansa sa Caloocan City. Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Caloocan City police chief, P/Col. Edcille Canals, habang nagpapatrulya ang mga tauhan ng Police Sub-Station (SS5) sa Katarungan St., Brgy. 150 nang matiyumpuhan nila ang dalawang lalaki na walang saplot na pang-itaas habang gumagala sa naturang lugar. Nang lapitan nila para isyuhan ng Ordinance Violation Receipt (OVR), pumalag ang mga suspek saka tumakbo para…

Read More

Sinitang walang plaka DELIVERY RIDER HULI SA MARIJUANA

KALABOSO ang isang delivery rider makaraang mahulihan ng marijuana nang sitahin ng mga pulis sa pagmamaneho ng tricycle na walang plaka sa Quezon City noong Huwebes ng umaga. Kinilala ng Quezon City Police District Station 1 Laloma ang nadakip na suspek na si Paulo Sibug, 20, binata, delivery rider, residente ng Brgy. NS Amoranto, Quezon City. Nabatid mula kay Pat. Bryan Soriano ng Laloma Police, nadakip ang suspek sa Del Monte Avenue, corner Matutum St., Brgy. Manresa, Quezon City dakong alas-6:45 ng umaga. Nabatid sa ulat na nagsasagawa ng anti-criminality…

Read More

ENGINEER NABIKTIMA NG BASAG-KOTSE SA CAVITE

CAVITE – Matapos mabiktima ang dalawang beterinaryo, isa namang engineer ang nilimasan ng tinatayang P60,000 halaga ng cash, relo, golf shoes at sapatos ng hinihinalang miyembro ng basag-kotse gang sa bayan ng Silang noong Huwebes ng gabi. Personal na dumulog sa tanggapan ng Silang Municipal Police Station ang biktimang si Louie Mamuyac, 50, isang engineer, ng Parañaque City. Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas-8:30 ng gabi nang iparada ng biktima ang kanyang sasakyang Toyota Fortuner na may plakang NDZ 5241, sa parking area ng isang bulaluhan sa Brgy. Biga…

Read More

ACTIVE PNP POLICE COLONEL, KASAMA SA NASAWI SA MID-AIR COLLISION SA U.S.

KINUMPIRMA ng Department of the Interior and Local Government at maging ng pamunuan ng Philippine National Police, ang pagkasawi ng isang active police colonel sa nangyaring mid-air collision sa pagitan ng isang commercial plane at isang Black Hawk Helicopter ng U.S. Army sa may Potomac river sa Washington. Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla kahapon, isang PNP Police officer ang kabilang sa mga nasawi sa nangyaring collision ng isang American passenger jet at US military chopper malapit sa Reagan airport sa Amerika noong Miyerkoles ng gabi, Enero 29. Inihayag ng…

Read More

CHINESE NEW YEAR CELEBRATION DINAGSA NG 3M KATAO

NAMANGHA ang mga tauhan ng konsulado ng China sa nasaksihang dami ng mga Filipino na nakiisa sa pagdiriwang ng Chinese New Year o Spring festival sa Maynila, partikular sa pinakamalaki at pinakamatandang China Town sa labas ng mainland. Mismong si Ambassador Huang Xilian ang nanguna sa mga kinatawan ng China Embassy sa Pilipinas para makiisa sa selebrasyon ng Chinese New Year sa Binondo, Maynila. Kasama ni Amb. Huang Xilian sina Manila Mayor Honey Lacuna at Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc. president Dr. Cecilio Pedro, sa…

Read More

10,000 ILLEGAL RESIDENTS NG MAKATI PINETISYON SA KORTE

TINANGGAP ni Cynthia Sanchez, Record Officer 1 ng Makati Metropolitan Trial Court mula sa isang kinatawan ng United Nationalist Alliance o UNA ang mga dokumento na naglalayong madiskwalipika ang mahigit 10,000 diumano’y mapanlinlang na mga rehistro na hindi bonafide na residente ng Makati.(Danny Bacolod) NAGHAIN ng petisyon ang United Nationalist Alliance o UNA sa Makati Metropolitan Trial Court, na naka-angkla sa Section 35 ng Republic Act 8189 (The Voter’s Registration Act of 1996), na naglalayong madiskwalipika ang mahigit 10,000 diumano’y mapanlinlang na mga rehistro na hindi lehitimong residente ng Makati…

Read More