BOC KINUWESTYON NG COA SA 52 LUXURY VEHICLES NA INIULAT NA NAKUMPISKA

KINUWESTYON ng Commission on Audit (COA) ang Bureau of Customs (BOC) kaugnay ng 52 mamahaling sasakyang iniulat na nakumpiska ng ahensya ngunit walang katumbas na rekord sa Auction and Cargo Disposal Management Division (ACDMD) at Accounting Division. Tinatayang aabot sa P1.292 bilyon ang kabuuang halaga ng mga sasakyan na unang iniulat na nakumpiska sa Port of Manila (POM). Sa 2025 audit report ng COA sa BOC na inilabas kamakailan, binigyang-diin na kulang o walang naipasang kaukulang ulat ang Auction and Cargo Disposal Division (ACDD) kaugnay ng mga nasabing sasakyan. Batay…

Read More

APLASCA, NAGSUMITE NG SAGOT SA KASONG DIRECT ASSAULT KAUGNAY SA PUTUKAN SA SENADO

DUMALO si dating acting Senate Sergeant-at-Arms Mao Ranada Aplasca sa ikatlong preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) kaugnay ng kasong direct assault na isinampa laban sa kanya dahil sa umano’y pagpapaputok ng baril sa kasagsagan ng pagtatangkang pag-aresto kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa noong Mayo 14, 2026. Nagsumite si Aplasca ng kanyang sagot sa reklamong inihain ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) nitong Miyerkules, Oktubre 28. Inatasan naman ng DOJ prosecution ang kampo ng PNP-CIDG na magsumite ng reply affidavit sa Nobyembre 6 upang sagutin…

Read More

U.S. SECRETARY OF WAR HEGSETH, NASA PILIPINAS PARA SA ASEAN DEFENSE MEETING

DUMATING sa Pilipinas si United States Secretary of War Pete Hegseth upang dumalo sa opening ceremony ng Association of Southeast Asian Nations Defence Ministers’ Meeting-Plus (ADMM-Plus) sa Cebu nitong Martes. Lumapag si Hegseth sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) sakay ng Boeing E-4B Nightwatch ng United States Air Force, na kilala rin bilang “Doomsday Plane” dahil dinisenyo ito upang matiyak ang tuloy-tuloy na operasyon ng pamahalaan ng Estados Unidos sa panahon ng matinding emergency, kabilang ang pagkasira ng mga pangunahing command center. Bahagi si Hegseth ng delegasyon ng Estados Unidos na…

Read More

CAYETANO, HINIMOK ANG GOBYERNO NA PASIMPLEHIN ANG PROSESO PARA SA MALILIIT NA NEGOSYO

Nanawagan si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa mga ahensya ng gobyerno na pasimplehin ang mga rekisito para sa maliliit na negosyo upang matulungan ang mga negosyante na mapalago ang kanilang kabuhayan at makasabay sa pormal na ekonomiya. Kasunod ito ng desisyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na pansamantalang suspindihin ang mandatoryong pagpapakita ng Registration Seal Badge para sa mga online seller at content creator habang sinusuri ang mga usapin kaugnay ng privacy at teknikal na implementasyon nito. Malugod na tinanggap ni Cayetano ang hakbang ng BIR, ngunit…

Read More

LIBING SUSPENDIDO MUNA SA MAYNILA

IPINAALALA ng pamahalaang Lungsod ng Maynila na huling araw na ng paglilibing ng kanilang mga mahal sa buhay nitong Miyerkoles bilang paghahanda sa darating na Undas 2026. Inanunsyo ng punong lungsod na hanggang Oktubre 28 na lamang muna ang araw ng paglilibing sa Manila North Cemetery at Manila South Cemetery. Ayon sa kay Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso, mula alas-singko ng umaga hanggang alas-otso ng gabi, mananatiling bukas ang naturang mga sementeryo sa Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2, 2026. Gayunpaman, balik sa regular na serbisyo ang mga ito sa…

Read More

NDRRMC, OCD NANAWAGANG MAKIISA SA NATIONAL EARTHQUAKE DRILL

NANAWAGAN ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) at office of Civil Defense sa sambayanan na makiisa sa Fourth Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa Nobyembre 5, 2026, dakong alas-9:00 ng umaga upang matutuhan ang mga tamang hakbang sa oras ng lindol. Ayon sa Office of Civil Defense (OCD), sila at ang mga kasaping ahensya ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ay magsasagawa ng ika-apat na Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) para ngayong taon kasabay sa paggunita ng World Tsunami Awareness Day (WTAD) 2026 para…

Read More

FINDING ‘BATO’: HOTLINE PARA SA INFO IBINANDERA NG PNP

NAGLABAS ang Philippine National Police (PNP) ng mga hotline na maaaring tawagan ng publiko upang magbigay ng impormasyon hinggil sa kinaroroonan ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa. Sa isang press briefing sa Camp Crame, inilabas ni PNP Spokesperson PCol. Allen Rae Co ang mga numerong maaaring tawagan ng sinumang may impormasyong makatutulong sa paghahanap sa senador. Ito ang mga hotline: – 0927-307-3501 – 0995-512-2729 – 0945-611-5926 – 0999-361-9878 – 0960-6923-025 Nagbabala si PCol. Co na maaaring maharap sa kaukulang kaso ang mga tatawag sa mga hotline upang magbigay ng maling…

Read More

ILANG OPISYAL NG GOBYERNO IDINAWIT SA AGRI SMUGGLING

KINUMPIRMA ni Senate Committee on Agriculture Chairman Senator Francis “Kiko” Pangilinan na may ilang opisyal ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno na sangkot umano sa smuggling ng mga produktong agrikultural sa bansa. Ayon kay Pangilinan, nakatakdang ilabas sa susunod na buwan ang committee report hinggil sa isinagawang imbestigasyon ng komite sa patuloy na agricultural smuggling. Nagbabala rin ang senador sa matataas na opisyal na posibleng pangalanan sa ulat at sinabing dapat silang magpasensiya sa sandaling mailabas ang mga resulta ng imbestigasyon. Ipinaliwanag ni Pangilinan na hindi magiging posible ang operasyon…

Read More

KASO VS VIRAL POLICE RIDER IBINASURA NG PASIG COURT

IBINASURA na ng Metropolitan Trial Court (MeTC) Branch 153 sa Pasig City ang kasong slight physical injuries laban kay Police Staff Sergeant (PSSG) Erwin Lagua, ang pulis na naging viral dahil sa insidente ng umano’y pananakit sa isang commuter. Ito ay matapos boluntaryong bawiin ng complainant na si Jhon Vincent Cayanes ang kanyang reklamo sa pamamagitan ng paghahain ng affidavit of desistance, kung saan sinabi niyang nag-ugat lamang sa hindi pagkakaunawaan ang kasong isinampa laban sa pulis. Matatandaang nag-viral sa social media ang insidente matapos lumabas ang alegasyong itinulak ni…

Read More