MAHIGPIT na pinaalalahanan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang publiko na sumunod sa mga panuntunan sa sementeryo sa lungsod ngayong Undas. Kasabay nito, muling ipinaalala na ipinagbabawal ang pagka-karaoke at malalakas na sound system sa loob ng sementeryo ngayong Undas 2026 sa Manila North Cemetery at Manila South Cemetery. Bukod sa karaoke, bawal ding magdala ng alak o inuming nakalalasing, baril, patalim tulad ng kutsilyo at cutter, alagang hayop gaya ng aso at pusa, at mga bagay na madaling magliyab gaya ng alcohol at thinner. Ipinagbabawal din ang pagsusugal.…
Read MoreCategory: BALITA
DSWD, TIKTOK NAG-COLLAB PARA SA DIGITAL ENTREPRENEURSHIP SA SLP SA MINDANAO
PARA sanayin ang mga micro-entrepreneur sa online merchandising business, pinalakas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang suporta sa mga lokal na negosyante sa pamamagitan ng pagdadala ng digital literacy at e-commerce skills sa mga benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program (SLP) sa Mindanao sa pamamagitan ng strategic partnership nito sa TikTok Shop Philippines. Ang ‘Tara, Live Sell Na! Ang DSWD-SLP at TikTok Shop Unlad Lokal Roadshow’, ay nagsagawa ng Mindanao leg nito sa Tagum City, Davao del Norte noong Martes, Oktubre 27, upang sanayin ang mga micro-entrepreneur sa…
Read MoreNLEX-C5 NORTHLINK TOLL-FREE HANGGANG KATAPUSAN NG 2026
INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nitong Huwebes na libre ang toll sa North Luzon Expressway (NLEX) C5 Northlink Segment 8.2 Section 1A, na nagkokonekta sa Quezon City at Valenzuela City, hanggang katapusan ng taon. Ito ang sinabi ni Pangulong Marcos sa inagurasyon ng two-kilometer segment of NLEX-C5 Northlink, na nag-uugnay sa Mindanao Avenue at Quirino Highway. “Libre ang pagdaan dito ngayon until end of the year,” ang anunsyo ng Pangulo. Aniya, ang pagbubukas ng Segment 8.2 Section 1A ay ginawa ng napapanahon para sa Undas exodus para maibsan ang…
Read MoreINILIPAT NA PONDO NG PHILHEALTH, PDIC PINABABALIK NANG BUO
KINALAMPAG ni Senador Loren Legarda ang executive department at mga kapwa mambabatas upang matiyak na maibabalik nang buo ang mga pondong kinuha sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) at inilipat sa ibang programa ng gobyerno. Iginiit ni Legarda na dapat gamitin ang mga naturang pondo para matupad ng pamahalaan ang tungkulin nitong tiyakin ang sapat na alokasyon para sa serbisyong pangkalusugan at proteksiyon sa mga deposito sa bangko. Sa PDIC, sinabi ni Legarda na umabot sa P107.23 bilyon ang pondong ipinaremit nito sa National…
Read MoreNUCLEAR POWER MAPANGANIB; RENEWABLE ENERGY IGINIIT
MORONG, Bataan — Mariing tinututulan ng Nuclear-Free Bataan Movement (NFBM) ang pagsusulong ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa enerhiyang nukleyar, iginiit na nakataya rito ang kalusugan, kalikasan at buhay ng mamamayan. Ayon sa koalisyon ng mga makakalikasan at civil society group, sapat nang babala ang mga malagim na aksidenteng nukleyar sa Fukushima, Japan; Chernobyl, Ukraine; at Three Mile Island sa United States upang pag-isipang mabuti ang paggamit ng naturang teknolohiya sa bansa. Nag-ugat ang panibagong pagtutol ng grupo sa pahayag ni Pangulong Marcos na nanghihinayang siya sa…
Read MorePAMBANSANG ARAW NG EDUKASYONG MAKABAYAN INILUNSAD NG ACT
INILUNSAD ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), kasama ang mga guro at edukador mula sa mga pampublikong paaralan at state university and college (SUC) sa buong bansa, ang Nationalist Education Day o Pambansang Araw ng Edukasyong Makabayan upang igiit ang kahalagahan ng edukasyong nakaugat sa interes ng sambayanang Pilipino. Layunin ng inisyatiba na bigyang-diin ang papel ng edukasyon sa pag-unawa sa lumalawak na pakikialam ng mga dayuhan, pagsasamantala sa likas na yaman, pagkasira ng kapaligiran at mga pag-atake sa mapanuring pagkatuto sa mga paaralan sa bansa. Sa gitna ng paglahok…
Read MoreHALOS P354K HALAGA NG SHABU, NASABAT SA CAVITE
NASAMSAM ang tinatayang P353,668 halaga ng hinihinalang shabu habang tatlong hinihinalang drug pusher, kabilang ang dalawang nakatala bilang High Value Individuals (HVI), ang naaresto sa isang buy-bust operation sa Imus City, Cavite, Martes ng gabi. Nasa kustodiya na ng Imus Component City Police Station ang mga suspek na kinilala sa mga alyas na Tropa at Ruby, kapwa nasa HVI list, at Jhon, na nakatala bilang Street Value Individual. Nahaharap ang tatlo sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Batay sa ulat, isinagawa ng…
Read MoreKRIMEN SA GITNANG LUZON, BUMABA; HALOS 4,000 WANTED PERSONS, NAARESTO
INIULAT ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang pagbaba ng bilang ng mga insidente ng krimen sa Gitnang Luzon kasabay ng pinaigting na operasyon ng pulisya laban sa mga kriminal at mga programang naglalayong mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa rehiyon. Ayon kay PRO3 Director PBGen. Jess B. Mendez, iniugnay ang pag-unlad sa apat na pangunahing hakbang ng pulisya na nakatuon sa pag-aresto sa mga wanted person, pagsubaybay sa mga baril na paso na ang rehistro, pagpigil sa krimen at pagpapabilis sa paglutas ng mga kaso. Sa ilalim ng Own…
Read MoreP.5M SUPORTANG AGRIKULTURA INIHATID SA MGA KATUTUBO SA OCCIDENTAL MINDORO
TINATAYANG aabot sa kalahating milyong pisong halaga ng suportang pang-agrikultura ang inihatid ng Department of Agriculture (DA) – MIMAROPA sa mga katutubong komunidad sa Abra de Ilog, Occidental Mindoro, bilang bahagi ng Localized Peace Engagement Caravan na pinangunahan ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU). Sinabi ng Department of Agriculture (DA), isinagawa ang caravan sa tatlong lugar sa bayan, partikular sa Sitio Banabaan, Barangay Cabacao; Sitio Kapehan at Kadilawan, Barangay San Vicente; at Sitio Latag, Barangay Udalo. Layunin ng aktibidad na ilapit ang mga pangunahing…
Read More