IMMUNIZATION DRIVE PINALAKAS NG DOH

PINANGUNAHAN ng Department of Health (DOH) ang selebrasyon ng World Immunization Week 2026 sa San Juan Theater bilang bahagi ng pagpapalakas ng pagbabakuna sa bansa. Layunin ng aktibidad na palawakin ang saklaw ng National Immunization Program upang maprotektahan ang mga batang Pilipino laban sa mga sakit na maiiwasan sa pamamagitan ng bakuna. Kabilang sa mga isinagawa ang ceremonial vaccination at interactive booths, habang binigyang-diin ang kahalagahan ng bakuna lalo na para sa mga batang edad 0 hanggang 23 buwan. Bahagi ito ng kampanya ng World Health Organization sa ilalim ng…

Read More

Ngitngit ng manggagawa dadaloy sa Mendiola LABOR DAY RALLIES KASADO NA

INAASAHAN na ng Philippine National Police ang dagsa ng mga raliyista sa darating na Labor Day, kasabay ng paghahanda para matiyak na magiging mapayapa at maayos ang taunang kilos-protesta ng mga manggagawa. Pangungunahan ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang panawagan para sa malawakang pagkilos sa Mayo Uno 2026, kung saan igigiit ang dagdag-sahod, pagwawakas sa kontraktwalisasyon, at aksyon sa tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin at langis. Ayon kay Jerome Adonis, Chairperson ng KMU, tuloy ang pagkilos para ipaglaban ang karapatan ng manggagawa at magsasaka sa gitna ng lumalalang…

Read More

Sa pagkasawi ng 5 PUPC sa QC road mishap VIDEO CONFERENCING SA HEARINGS PINAKOKONSIDERA

NANAWAGAN ang isang sektor na mas palawakin ang paggamit ng video conferencing sa mga pagdinig upang maiwasan ang pagbiyahe ng persons deprived of liberty kasunod ng aksidente kamakailan sa Quezon City kung saan nasawi ang limang bilanggo. Paalala ni Atty. Ariel Inton, Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) president, sa ilalim ng Memorandum Circular No. 02-2026 ng Korte Suprema hinggil sa “Adoption of Flexible Work Arrangements and Energy Conservation Measures,” pinahihintulutan ang mga hukuman na magsagawa ng video conferencing hearings. Nakasaad din sa Guidelines on the Conduct of Videoconferencing…

Read More

KAJUAN MULTIPURPOSE CENTER SA CAVITE, SINIMULAN NA

PINANGUNAHAN ng mga opisyal ng Gen4Juan at partner organizations ang groundbreaking ceremony ng KaJuan Multipurpose Center sa Magallanes, Cavite bilang bahagi ng pagdiriwang ng unang anibersaryo ng organisasyon. Kabilang sa dumalo sina Gen4Juan Chairman at Executive Director Peter Eric Pardo, Vice Chairman at Finance Director Adrian Joseph Reyes, at Ambassador ng Malaysia sa Pilipinas Dato Abdul Malik Melvin Castelino. Dumalo rin si Malaysian Chamber of Commerce and Industries Philippines Inc. President How Han Hui at Provincial Board Member Jasmine Maligaya-Bautista, kasama ang mga kinatawan ng pribadong sektor. Layunin ng proyekto…

Read More

VILLAR NAMAHAGI NG AYUDA SA MGA TSUPER AT RIDERS SA LAGUNA

PILA, Laguna — Pinangunahan ni Senator Mark A. Villar ang pamamahagi ng grocery packs at sako-sakong bigas sa mga jeepney driver, operators, at delivery riders sa ilalim ng MARKalinga: Welfare Assistance Program for Drivers na ginanap noong Abril 24 sa Pila Municipal Grounds. Ayon kay Villar, bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng kanyang tanggapan na suportahan ang sektor ng transportasyon na apektado ng tumataas na presyo ng gasolina at iba pang suliraning pang-ekonomiya. “Patuloy nating susuportahan ang ating mga tsuper at riders na araw-araw na nagsusumikap para sa kanilang…

Read More

PTFOMS NAGSAGAWA NG WORKSHOP PARA SA KABABAIHANG MAMAMAHAYAG

NAGLUNSAD ng dalawang araw na workshop ang Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) at Presidential Communications Office (PCO) para sa mga babaeng mamamahayag mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Dinaluhan ng humigit-kumulang 75 journalists mula sa iba’t ibang media platforms ang aktibidad na may temang “Empowering Women Journalists to Institutionalize Gender-Responsive Media Protection.” Layunin ng workshop na palakasin ang kapasidad ng mga kababaihang mamamahayag at bumuo ng panimulang pamantayan para sa kanilang kaligtasan at proteksyon. Ayon kay PTFOMS Executive Director Usec. Joe Torres Jr., mahalaga ang papel ng…

Read More

AFP PINASINUNGALINGAN ANG HUMAN RIGHTS ABUSE SA NEGROS ENCOUNTER

MARIING pinabulaanan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Department of National Defense ang alegasyon ng paglabag sa karapatang pantao kaugnay ng engkuwentro sa Toboso, Negros Occidental na ikinasawi ng 19 katao. Ayon sa AFP, ang operasyon ay isang “lawful, intelligence-driven operation” laban sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA), at hindi pag-atake sa sibilyan. Iginiit ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na walang basehan ang paratang laban sa militar, habang kinuwestiyon ang presensya ng ilang indibidwal sa lugar ng engkuwentro, kabilang ang isang estudyante. Sinabi naman ni…

Read More

LUMABAG SA ORDINANSA SA SAFER CITIES DRIVE UMABOT NA SA 150K

UMABOT na sa halos 150,000 ang bilang ng mga lumabag sa iba’t ibang ordinansa sa bansa mula Abril 6 hanggang 23, kasunod ng paglulunsad ng Safer Cities Initiative ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Nangunguna sa mga paglabag ang pag-inom ng alak at paninigarilyo sa pampublikong lugar. Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuaño, bunga ng mas maigting na pagpapatupad ng ordinansa, bumaba ang mga kaso ng crime against persons gaya ng murder, homicide, physical injuries at rape. Dagdag pa niya, naging mas aktibo ang mga pulis…

Read More

ROQUE, KUMATOK SA COURT OF APPEALS SA ISYU NG PASSPORT AT ‘FUGITIVE’ TAG

DUMULOG sa Court of Appeals si dating Presidential Spokesperson Harry Roque upang kwestyunin ang pagkansela ng kanyang passport at pagdeklara sa kanya bilang pugante. Sa inihain niyang Petition for Certiorari, hiniling ni Roque na ipatigil ang implementasyon ng ruling ng Pasig City Regional Trial Court. Ayon sa kanyang kampo, walang legal na basehan ang naturang hakbang at lumalabag ito sa kanyang karapatan, kabilang ang due process, presumption of innocence, at freedom to travel. Iginiit din ni Roque na nagkaroon umano ng grave abuse of discretion ang korte, at hindi kinilala…

Read More