PHLPOST PINAGTIBAY ANG SUPORTA SA MGA EMPLEYADO SA LABOR DAY

MAYNILA, Pilipinas — Muling pinagtibay ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang suporta nito sa mga empleyado kasabay ng paggunita sa Araw ng Manggagawa, at inilatag ang mga hakbang upang tugunan ang mga pangunahing isyu ng kanilang workforce. Ayon sa pamunuan, nakasalalay sa dedikasyon ng mga kawani—mula sa mga kartero na umaabot sa malalayong lugar, hanggang sa mga mail sorter, postal worker, at empleyado sa opisina—ang matagumpay na operasyon ng ahensya. “Para sa amin, ang kapakanan ng empleyado ay hindi lang tungkol sa mga programa. Ito ay tungkol sa pag-aalaga sa…

Read More

CAYETANO SUPORTADO IMBESTIGASYON SA MGA PROYEKTO NG DISCAYAS SA TAGUIG

SUPORTADO nina Senador Alan Peter Cayetano at Taguig City Mayor Lani Cayetano ang isinasagawang imbestigasyon ng pamahalaan sa mga proyektong nakuha ng kontratistang Discaya sa lungsod ng Taguig. Ayon sa mag-asawang Cayetano, dapat managot ang sinomang mapatutunayang sangkot sa anomalya at korupsiyon, at wala silang planong kunsintihin ang anomang pang-aabuso sa kaban ng bayan. Nagpasalamat din ang mga opisyal sa pagbisita ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon, na nagsagawa ng inspeksyon sa mga proyektong napanalunan ng mga kumpanya ng pamilya Discaya. Sinabi ni Dizon na…

Read More

1 PATAY, 1 SUGATAN SA PAMAMARIL SA QUEZON CITY

PATAY ang isa katao habang sugatan ang kanyang kasamahan matapos tambangan ng mga armadong suspek sa Quezon City. Naganap ang insidente sa kanto ng EDSA at Timog Avenue pasado alas-4 ng hapon nitong Martes, Abril 28. Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Quezon City Police District, hinarangan ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo ang puting kotse ng mga biktima at agad silang pinagbabaril. Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga suspek. Naisugod pa sa pagamutan ang mga biktima, ngunit idineklara nang patay ang isa makalipas ang ilang oras, habang…

Read More

KAMPO NI VP SARA MULING NAGPETISYON SA SC KONTRA IMPEACHMENT

NAGHAIN ng supplemental petition for certiorari sa Supreme Court of the Philippines sina Atty. Israelito Torreon, Atty. Resci Nolasco, at Atty. Jimmy Bondoc upang kuwestiyunin ang proseso ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte. Sa kanilang petisyon, hiniling ng mga abogado na pigilan ang pagpapatuloy ng impeachment proceedings at ideklarang walang bisa ang House Resolution No. 892 na umano’y nagbigay pahintulot sa House Committee on Justice na ipagpatuloy ang pagdinig kahit naka-recess ang House of Representatives mula Marso 21 hanggang Mayo 3, 2026. Iginiit ng mga petitioner na nagkaroon…

Read More

LALAKING NAGLABAS NG BARIL SA VIRAL VIDEO, TUKOY NA

TUKOY na ng Philippine National Police (PNP) ang lalaking nag-viral matapos maglabas ng baril sa insidente ng habulan sa Makati at Taguig. Kinilala ang suspek na si Joey Sabando, isang protection agent na sumuko na sa Makati Police kasama ang kanyang .45 caliber pistol at affidavit. Ayon kay PNP Spokesperson PBGen Randulf Tuaño, hindi konektado sa anomang security agency si Sabando at wala itong official duty nang mangyari ang insidente. Dagdag pa ni SOSIA Chief PBGen Rudecindo Reales, nakatakda nang bawiin ang lisensya ng suspek. Nilinaw ng PNP na hindi…

Read More

MAY PANGIL NA ANG AFASA LABAN SA ONLINE SCAMS – VILLAR

IKINATUWA ni Senador Mark A. Villar ang implementasyon ng Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA), kasunod ng mga naitalang pag-aresto at conviction laban sa mga sangkot sa online financial crimes. Ayon kay Villar, bilang principal sponsor at author ng batas, nakikita na ang konkretong resulta ng AFASA sa mas mabilis na pagresponde sa mga reklamo at mas matibay na ebidensya laban sa mga kriminal. Batay sa datos ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG), mahigit 90 indibidwal na ang naaresto mula Enero dahil sa pagkakasangkot sa money muling at iba pang…

Read More

SINIBAK NA MANILA CIIS CHIEF INIIMBESTIGAHAN SA SMUGGLING

NAGING sentro ng usapin si Intelligence Officer III Paul Oliver Pacunayen matapos siyang sibakin sa puwesto bilang hepe ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) sa Port of Manila (POM), kasunod ng inihaing imbestigasyon sa umano’y muling paglaganap ng smuggling. Ang hakbang ay bahagi ng direktiba ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno na busisiin ang mga ulat na may ilang opisyal ng ahensya na posibleng sangkot sa ilegal na operasyon sa loob ng Bureau of Customs (BOC). Si Pacunayen ay kabilang sa mga pinangalanan sa isang liham na ipinadala sa tanggapan…

Read More

LOKASYON NI ZALDY CO TUTUKUYIN SA CZECH TALKS — DOJ

AALAMIN ni Justice Secretary Fredderick Vida ngayong Lunes, Abril 27, ang eksaktong kinaroroonan ng dating kongresista na si Zaldy Co. Sa panayam sa media, sinabi ni Vida na itutuloy niya ang nakatakdang pulong sa kanyang counterpart mula sa Czech Republic upang makakuha ng karagdagang impormasyon. “The actual fact kung saan siya naroon, I will get more information by tomorrow,” ani Vida, na inaasahang makakakuha ng detalye matapos ang kanilang meeting “after lunch.” Dagdag pa ng kalihim, marami pang kailangang linawin at i-validate na impormasyon kaugnay sa kaso. Ayon kay Vida,…

Read More

MGA KOMUNIDAD BANTAY-SARADO KONTRA REBEL RECRUITMENT

PINAIGTING ng Philippine National Police ang pagbabantay sa mga komunidad sa buong bansa upang mapigilan ang umano’y panibagong taktika ng mga rebeldeng grupo sa panghihikayat ng miyembro. Ito ay kasunod ng naganap na engkuwentro sa Toboso, Negros Occidental noong nakaraang linggo. Ayon kay PNP Chief Jose Melencio Nartatez Jr., mahigpit na mino-monitor ng pulisya ang galaw ng mga rebelde, lalo na sa mga sektor na itinuturing na vulnerable. Matatandaang 19 na miyembro ng New People’s Army, kabilang ang dalawang Fil-Am, ang nasawi sa naturang engkuwentro. Inatasan din ni Nartatez ang…

Read More