AGAP PARTY-LIST, PINATUTUTUKAN SA PALASYO AT BOC ANG UMANO’Y “HUGAS-TAWAS” SA FROZEN PORK

UMAAPELA si AGAP Party-list Representative Nicanor “Nikki” Briones kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at sa Bureau of Customs (BOC) na seryosohin ang isyu ng umano’y “hugas-tawas” sa frozen pork meat, kasabay ng kanyang panawagan na tugunan ang epekto ng sobrang pag-angkat ng karne ng baboy sa lokal na industriya. Sa isang press conference sa Maynila, sinabi ni Briones na may umano’y palihim na paraan sa ilang cold storage facility kung saan hinuhugasan ng tawas ang karne ng baboy upang mapanatili itong mukhang sariwa bago ibenta sa merkado. Pangamba ng…

Read More

EX-BFP CHIEF, NAGHAIN NG NOT GUILTY PLEA SA UMANO’Y P14-M SUHOL

NAGHAIN ng not guilty plea nitong Biyernes ang dating Bureau of Fire Protection (BFP) Director Jesus Fernandez sa mga kasong graft kaugnay ng umano’y pagtanggap ng suhol sa pagbili ng mga ambulansya. Nagpasok ng plea si Fernandez sa harap ng Sandiganbayan Third Division, na pinamumunuan ni Associate Justice Ronald Moreno, kaugnay ng alegasyon na tumanggap siya ng pera mula sa isang pribadong indibidwal para sa pagbili ng 132 ambulansya na nagkakahalaga ng P485 milyon. Nag-ugat ang mga sakdal sa umano’y maanomalyang pagbili noong 2024 ng 132 Type I Basic Life…

Read More

PINOY HINIKAYAT MAMUHUNAN SA RETAIL TREASURY BONDS

HINIKAYAT ng gobyerno ang mga Pilipino na mamuhunan sa Retail Treasury Bonds (RTBs) na maaaring bilhin sa halagang hindi bababa sa P5,000, upang kumita ng fixed interest habang nakatutulong sa pagpopondo ng mga programa at proyekto ng pamahalaan. Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na maaaring mamuhunan ang mga Pilipino sa RTBs, habang ang malilikom na pondo ay gagamitin sa mga proyekto para sa edukasyon, healthcare, business support, job generation at iba pang inisyatibang naglalayong palaguin ang ekonomiya. “Ginawa po ito ng gobyerno…

Read More

MEDICAL EXPERTS ITINULAK HARM REDUCTION SA NICOTINE PRODUCTS

ITINULAK ng mga medical expert ang prinsipyo ng harm reduction bilang paraan upang mabawasan ang panganib sa kalusugan dulot ng nicotine, partikular para sa mga smoker na hindi kayang tuluyang tumigil sa paninigarilyo. Pinangunahan ng Philippine Tobacco Harm Reduction Advocates (PHILTRA) coalition ang 2nd National Summit on Nicotine and Harm Reduction, na dinaluhan ng mga medical expert, consumer groups at kinatawan ng industriya upang talakayin ang mga polisiya hinggil sa sigarilyo, vape at iba pang produktong may nicotine. Isinagawa ang summit sa gitna ng mga panukalang pinag-aaralan ng gobyerno na…

Read More

KAWAYAN BILANG NATIONAL ECONOMIC DRIVER, ISINUSULONG NI SPEAKER DY

NANAWAGAN si Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III nitong Huwebes para sa mas malakas na suporta mula sa pamahalaan at pribadong sektor upang makabuo ng isang kompetitibong industriya ng kawayan sa Pilipinas na makalilikha ng pangmatagalang kabuhayan para sa mga magsasaka, trabaho sa mga kanayunan at mga produktong lokal para sa konstruksyon at iba pang industriya. Sa kanyang pagdalo sa programang “Building the Future with Bamboo” sa punong tanggapan ng Asian Development Bank (ADB) sa Mandaluyong City, sinabi ni Dy na nagsimula ilang taon na ang kanyang pagsusulong sa industriya…

Read More

KAHANDAAN NG GOBYERNO SA SUPER EL NIÑO, PINASUSURI SA SENADO

elnino2

ISINUSULONG ni Senator Jinggoy Estrada ang isang resolusyon upang busisiin ng Senado ang paghahanda ng mga ahensya ng gobyerno kaugnay ng babala ng weather bureau hinggil sa posibleng “super-sized” na El Niño na maaaring maranasan sa bansa hanggang 2027. Inihain ni Estrada, pangunahing may-akda at sponsor ng Republic Act No. 12287 o ang “Declaration of State of Imminent Disaster Act,” ang Senate Resolution No. 656, na naglalayong magtalaga ng komite sa mataas na kapulungan upang magsagawa ng kaukulang imbestigasyon. Sinabi ni Estrada na hindi dapat magpahuli ang Senado sa pagkilos…

Read More

FAKE! SULAT NA PIRMADO NI GIBO, ‘MADE IN CHINA’ — AFP

INIHAYAG ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may mga indikasyong China ang nasa likod ng kumakalat na pekeng liham na umano’y pirmado ni Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. Ayon kay AFP spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, tinitingnan ng militar ang mga indikasyon sa likod ng naturang dokumento. “Sa military, we look at indicators and indicators will point na ito ay galaw ng Chinese Communist Party or yung kanilang mga galamay na minsan may kasamang Pilipino doon,” pahayag ni Trinidad sa virtual…

Read More

TINANGAY NA SEDAN SA QC NATUNTON SA MAYNILA

NABAWI ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang Honda sedan na iniulat na ninakaw matapos itong matunton sa Roxas Boulevard, Malate, Maynila, madaling araw ng Setyembre 28, 2026. Ayon sa QCPD, kinuha umano ng driver ng may-ari na nakilalang “Rod” ang sasakyan nang walang pahintulot bandang alas-10 ng gabi noong Setyembre 24 mula sa parking area ng MPlace Tower B sa Mother Ignacia, Quezon City. Matapos ang beripikasyon at pagtunton ng District Anti-Carnapping Unit (DACU), natagpuan ang sasakyan na nakaparada sa Malate. Dinala ito sa tanggapan ng DACU para…

Read More

TAGUIG PINALALAKAS ANG SCHOLARSHIP PROGRAM KASABAY NG PAGPAPALAWAK NG AYUDA SA TERTIARY EDUCATION

PATULOY na pinalalakas ng Taguig City ang scholarship program nito para sa mga estudyanteng kumukuha ng post-secondary education, kasabay ng pagpapalawak ng tulong-pinansyal ng pamahalaan para sa tertiary education. Ito ay kasunod ng paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Republic Act No. 12325 noong Setyembre 4, na nag-amyenda sa Republic Act No. 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act. Sa ilalim ng RA 12325, pinalawak ang saklaw ng Tertiary Education Subsidy at nadagdagan ang mga gastusing pang-edukasyon na maaaring sagutin ng pamahalaan. Kabilang din sa mga…

Read More