VILLAR, NAGHAIN NG PANUKALANG HAZARD PAY AT INSURANCE PARA SA MEDIA WORKERS

NAGHAIN si Senator Mark A. Villar ng Senate Bill No. 2440 o “Media Workers Hazard Pay Act” na naglalayong magkaloob ng hazard pay at karagdagang insurance benefits sa mga media worker na nade-destino sa mga mapanganib na lugar at sitwasyong pang-emergency. “Ang mga media worker ang nagsisilbing mata at tainga ng publiko sa panahon ng matitinding krisis at panganib. Kung inaasahan natin silang humarap sa panganib upang mapanatiling ligtas at may sapat na kaalaman ang ating mga kababayan, tungkulin din nating tiyakin na sila ay protektado, insured, at mayroong hazard…

Read More

LGU, police maagang nag-inspeksyon BAR EXAMINEES DUMAGSA SA UST

HALOS magbubukang-liwayway pa lamang nitong Linggo, dumagsa ang bar examinees sa University of Santo Tomas (UST) sa Maynila, isa sa mga testing center para sa 2026 Philippine Bar Examinations. Halatang tensyonado at excited ang mga kukuha ng pagsusulit na bagama’t nakangiti ay panay ang dasal na sana “basic” lang ang kukuning pagsusulit. Kasama rin ng ilang examinees ang kanilang mga kaibigan, kaklase at pamilya na todo-suporta sa kanila. Nauna rito, inaprubahan ng Korte Suprema ang 13, 441 aplikante mula sa 14, 291 na nagparehistro para sa nasabing pagsusulit. Nitong nakalipas…

Read More

SC NAGBIGAY NG SPECIAL CONSIDERATIONS SA ILANG 2026 BAR EXAMINEES

KINUMPIRMA ni 2026 Bar Chairperson Associate Justice Samuel Gaerlan na nagpatupad ang Korte Suprema ng ilang special considerations para sa mga examinee ng 2026 Bar Examinations. Ayon kay Gaerlan, tatlong examinee ang nabigyan ng konsiderasyon para sa written examinations, habang apat na persons with disability (PWDs) ang pinayagang kumuha ng pagsusulit na may kaukulang assistance. Kasama rin sa binigyan ng special consideration ang isang person deprived of liberty (PDL) na hindi na kinailangang kumuha ng pagsusulit sa loob ng detention facility. Sa halip, pinayagan itong magtungo sa local testing center…

Read More

ROBBERY VS 2 QC POLICE IBINASURA

TULUYANG ibinasura ng Quezon City Prosecutors Office ang kasong robbery na isinampa ng isang delivery rider laban sa dalawang tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) matapos mabigong mailatag ang elemento ng pagnanakaw na isinampa ng una. Sa apat na pahinang resolusyon na nilagdaan ni Assistant City Prosecutor Ann Faustine Moya-Valbuena, ibinasura ng piskalya ang kasong robbery na isinampa ng complainant na si Piolo Baluyot Alonzo laban kina PCpl. Mark Anthony Amaro at PCpl. Cristian Nuezca. Sina PCpl. Amaro at PCpl. Nuezca ay mga miyembro ng PNP at nakatalaga sa…

Read More

₱366.65 MILYONG HALAGA NA NG DROGA, NASAMSAM SA NASIRANG YATE SA SUBIC

SUBIC—Nadiskubre pa ng mga awtoridad ang karagdagang 109 pakete ng hinihinalang high-grade marijuana o “kush,” na tumitimbang ng humigit-kumulang 123.91 kilo at may tinatayang halaga na ₱204.44 milyon, sa nagpapatuloy na inspeksyon sa isang nasirang yate na dumaong sa Subic Bay Yacht Club. Ang karagdagang droga ay natuklasan ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC)–Port of Subic, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sa nagpapatuloy na joint law enforcement operation sa nasabing sasakyang-dagat. Nauna nang nakarekober ang mga awtoridad ng 94.597 kilo ng hinihinalang high-grade marijuana “kush,” na…

Read More

JV Ejercito ginaya ang ‘bombastic pumps’ ng Navotas para maibsan ang pagbaha sa San Juan

Ginaya ni Senador JV Ejercito sa panahon ng kanyang pamumuno bilang Mayor ng San Juan ang hakbang ng noo’y Navotas City Mayor at ngayo’y Rep. Toby Tiangco na maglagay ng mga pumping station at “bombastic pumps” sa mga istratehikong lugar upang tugunan ang patuloy na pagbaha sa mabababang barangay. Ayon kay Ejercito, naging epektibo ang pagtugon ni Tiangco sa pagbaha sa Navotas, kung saan nasa 70 porsiyento ng lungsod ay below sea level, sa pamamagitan ng paglalagay ng mga pumping station sa mga estratehikong lokasyon. “Ang Navotas, 70 percent diyan…

Read More

Cayetano, hiningi ang strategic direction ng DOH sa ilalim ni Mercado

Gustong malaman ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang direksyon at mga reporma ng Department of Health (DOH) sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Dr. Edwin Mercado, partikular kung paano titiyakin ng ahensya na ang paggastos sa kalusugan ay tunay na magreresulta sa mas mabuting kalagayan ng kalusugan para sa mga Pilipino. “What reforms will the DOH pursue to ensure that public health spending becomes genuinely transformative and advances the constitutional guarantees on the right to health and the general well-being of the Filipino people?” wika ni Cayetano sa…

Read More

BUONG BUHAY NI CM MACACUA INILAAN NIYA SA MILF, PARA SA KAPAYAPAAN – MANGUDADATU

Inilaan ni “Sammy Gambar” Macacua ang kanyang buong buhay sa Moro Islamic Liberation Front sa hangaring makamit ang kapayapaan para sa Bangsamoro, ayon kay Maguindanao del Norte Rep. Esmael “Toto” Mangudadatu. Sa isang panayam, sinabi ni Mangudadatu na hindi dapat tingnan ang kasalukuyang hidwaan sa pagitan ni Macacua at ng MILF nang hiwalay sa mahabang kasaysayan ng pakikibaka at paglilingkod ng dating MILF commander para sa peace process. “Buong buhay ni Macacua inilaan niya sa MILF para sa kapayapaan,” ani Mangudadatu, na nagsabing ang kanyang pahayag ay nakaugat sa matagal…

Read More

SEGURIDAD SA 2026 BAR EXAM TINIYAK NG PNP

ALINSUNOD sa kautusan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. at DILG Sec. Jonvic Remulla, tiniyak ng Philippine National Police ang kaligtasan at seguridad ng mga examinee sa 2026 Bar Examination. Inatasan ni PNP chief, PGen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang lahat ng yunit ng pulisya na ipatupad ang komprehensibong seguridad sa nasabing pagsusulit. Ipinag-utos din ng hepe ng Pambansang Pulisya na magtalaga ng sapat na mga tauhan at resources upang matiyak ang kapayapaan sa buong tatlong araw ng pagsusulit. “This is an important event for the legal community…

Read More