DILG NANAWAGAN NG SAMA-SAMANG PAGKILOS KONTRA FAKE NEWS

NANAWAGAN ang Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa sama-samang pagkilos ng gobyerno na makalos ang pagpapakalat ng fake news and misinformation, at binibigyang-diin na ang tumpak, napapanahon, at beripikadong impormasyon ay napakahalaga upang maiwasan ang takot at pagkalito sa panahon ng krisis. Nitong Huwebes, umapela si SILG Jonvic Remulla para sa isang nagkakaisang pagkilos ng pamahalaan upang pigilan ang pagpapakalat ng fake news at maling impormasyon. Sa ginanap na pulong balitaan sa Kapihan sa Manila sa Prince Hotel sa Ermita, Manila, sinabi ni DILG Undersecretary for…

Read More

Ekonomiya, junk shops ‘pinilay’ DAAN-DAANG MANGGAGAWA APEKTADO SA STEEL PLANTS RAID

NAWALAN ng hanapbuhay ang daan-daang manggagawa sa apat na steel at metal manufacturing company sa bansa matapos ang serye ng raid ng pinagsanib na pwersa ng Department of National Defense (DND), Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), at National Bureau of Investigation (NBI) sa mga pasilidad na pinaghihinalaang lumalabag sa nuclear safety at consumer protection laws. Bukod sa mga manggagawa, naapektuhan din umano ang ekonomiya ng mga bayan at lungsod na kinaroroonan ng mga planta dahil sa paghinto ng operasyon ng mga ito. Sa isang steel plant sa Barangay Ilang, Bunawan,…

Read More

711 LUGAR LUBOG PA RIN SA BAHA

UMABOT sa 711 lugar sa Luzon ang kasalukuyang lubog pa rin sa baha dahil sa epekto ng sunod-sunod na pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon o Habagat at mga nagdaang bagyo. Ayon sa situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Office of Civil Defense (OCD), nasa 6,328 barangay ang naapektuhan ng mga pag-ulan, habang 711 lugar ang nananatiling binabaha. Ayon kay NDRRMC representative Diego Agustin Mariano, saklaw ng datos ang mga insidenteng naitala mula Agosto 1 hanggang Agosto 2, 2026. Naitala ang 711 lugar na kasalukuyang…

Read More

NATENGGANG MASTER PLAN KONTRA BAHA KASADO NA – PBBM

INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mayroon nang flood control master plan ang pamahalaan at kasalukuyan na itong isinasagawa upang matugunan ang problema sa pagbaha sa bansa. Ayon sa Pangulo, matagal nang mayroon ang bansa na flood control master plan ngunit hindi ito naipatupad noon. “Mayroon na tayong master plan. Hindi lamang ito naipatupad. Isinasagawa na natin ito ngayon. Ilang dekada na tayong may master plan pero walang ginawa. Ngayon lamang natin ito sinisimulan,” pahayag ni Pangulong Marcos matapos inspeksyunin ang nasirang Aquino at Agana bridges sa Barangay…

Read More

PBBM NAGSAGAWA NG AERIAL INSPECTION SA MGA BINAHANG LUGAR SA TARLAC

NAGSAGAWA ng aerial inspection si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Miyerkoles sa mga binahang lugar sa Tarlac kasunod ng pananalasa ng mga bagyo at epekto ng Southwest Monsoon o Habagat. Mula sa ere, nakita ng Pangulo ang lawak ng pinsala, lalo na sa mga kabahayan at komunidad na patuloy na nakalubog sa tubig. Kasama ni Pangulong Marcos sa aerial inspection si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon. Bahagi ang pag-iinspeksyon sa pagsisikap ng pamahalaan na mabilis na matukoy at masuri ang lawak ng pinsala ng…

Read More

Meralco, pinaigting pa ang kampanya kontra pagnanakaw ng kuryente

Patuloy na ipinapatupad ng Manila Electric Co. (Meralco) ang kampanya nito laban sa pagnanakaw ng kuryente para mapanatili ang katatagan at pagiging maaasahan ng distribution network nito, habang isinusulong ang kaligtasan ng publiko. Bukod sa mga proactive inspection sa mga electrical facility at pakikipagtulungan sa mga alagad ng batas na sugpuin ang mga ilegal na koneksyon, may mga inisyatiba rin ang Meralco para mapalawak pa ang paggamit ng mga smart technology at patuloy rin na pamumuhunan nito modernisasyon ng mga pasilidad nito para mabawasan ang non-technical system loss na dulot…

Read More

PBBM HINIMOK DEPED NA ITURO CLIMATE CHANGE SA MGA BATA

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Education (DepEd) na palakasin ang climate change education sa mga paaralan upang maagang maunawaan ng mga bata ang epekto nito sa kapaligiran at kanilang mga komunidad. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, binigyang-diin ni Marcos ang kahalagahan ng pagtuturo ng climate-change awareness sa mga mag-aaral sa murang edad. “Sa DepEd, ituro sa mga bata, kahit sa murang edad ay makatulong na sila,” pahayag ni Castro, na muling binanggit ang direktiba ng Pangulo kasunod…

Read More

MGA HAKBANG PARA PROTEKTAHAN ANG MGA PILIPINONG NANGANGAILANGAN, ISINUSULONG NI CAYETANO

Isinusulong ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang mga hakbang na naglalayong palakasin ang proteksyon at suporta para sa mga Pilipinong higit na nangangailangan ng tulong. Apat na committee report ang nilagdaan ni Cayetano “with reservation” bilang pagpapakita ng suporta sa mga panukala, habang nananatili sa kanya ang karapatang kwestiyunin o punahin ang ilang probisyon kapag umabot na ang mga ito sa plenaryo. Tatlo sa mga panukala ang sasailalim sa period of interpellation sa pagbabalik ng sesyon ng Senado. Kabilang dito ang panukalang Free Housing Through Usufruct Act, na…

Read More

ECONOMIC MANAGERS HINIMOK NI VILLAR NA SUPORTAHAN TAX RELIEF BILL

PASAY CITY — Hinimok ni Senator Mark A. Villar ang mga economic manager ng bansa na suportahan at pag-aralan ang mga benepisyong maaaring idulot ng kanyang panukalang pagtataas sa annual income tax exemption ceiling upang magbigay ng agarang ginhawa sa mga manggagawang Pilipino at mapalakas ang household consumption at ekonomiya. Sa pagdinig ng Senate Committee on Finance hinggil sa panukalang 2027 national budget, sinabi ni Villar na dapat ikonsidera ng pamahalaan ang tax relief sa gitna ng paghina ng consumer spending at mabagal na government spending. Inihain ni Villar ang…

Read More