AFP, FULLY PREPARED PARA SA UNANG BARMM PARLIAMENTARY ELECTIONS

TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command (WestMinCom) na handa ang militar sa pagpapanatili ng seguridad at mapayapang pagdaraos ng unang Bangsamoro parliamentary elections ngayong Lunes, Setyembre 14. Ayon kay Maj. Orlando Ayllon Jr., spokesperson ng AFP Western Mindanao Command, wala silang nakikitang partikular na banta sa halalan at nananatiling optimistiko ang militar na magiging mapayapa ang eleksyon. “We are 100% peaceful yung election natin. Kung sa threats naman, wala tayong threats talaga na nakikita,” ani Ayllon. Mahigit 11,000 tauhan ng AFP ang ide-deploy sa Bangsamoro…

Read More

₱17.65M PUSLIT NA SIGARILYO, NASABAT NG PNP SA PANGASINAN

NASA tinatayang ₱17.65 milyon halaga ng smuggled o puslit na sigarilyo ang nasabat ng Philippine National Police (PNP) sa isang van sa Agno, Pangasinan. Ayon sa Pangasinan Police Provincial Office, nasabat ng mga tauhan ng Agno Municipal Police Station ang van na kargado ng ilegal na kontrabando bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa cigarette smuggling. Inaresto ang dalawang suspek, kabilang ang 31-anyos na driver na tubong Bataan at 47-anyos na substitute driver na mula sa Sorsogon. Kapwa nasa kustodiya ng pulisya ang mga suspek matapos mabigong makapagpakita ng…

Read More

PING: TEODORO PINATUNAYAN NA ANG KAYANG IAMBAG SA BANSA

PINATUNAYAN ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. kung ano ang kaya niyang iambag sa bansa kasunod ng kanyang paninindigan sa pagtatanggol sa posisyon ng Pilipinas hinggil sa soberanya at pandaigdigang batas sa isang high-level security forum sa Seoul. Ito ang iginiit ni Senador Panfilo Lacson kasunod ng papuring natanggap ni Teodoro mula sa mga netizen sa South Korea matapos niyang pagsabihan ang mga delegadong Tsino dahil sa kanilang pagtatanong sa 2016 South China Sea Arbitration Award sa naturang forum. “Imagine a ‘President Gilbert Teodoro’ alongside global leaders: the world would…

Read More

Isinumbong sa Senado ONLINE SELLERS, MALILIIT NA NEGOSYO ‘KINOKOTONGAN’ SA BIR

KINALAMPAG ni Senador Bam Aquino ang mga awtoridad upang matugis ang mga kurakot na opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nangongotong ng milyun-milyon mula sa maliliit na negosyo at online sellers Sa pagdinig ng Senate Committee on Trade, Commerce, and Entrepreneurship, na kanyang pinamumunuan, iginiit ni Aquino na kabilang ang BIR sa mga ahensya ng gobyerno na madalas ireklamo ng maliliit na negosyo at online sellers. “Nais nating tukuyin ang pinakamagastos, pinakamabigat, at mahihirap na requirement at regulasyon na hinaharap ng ating maliliit na negosyo. Mula sa pagsisimula…

Read More

MERALCO, MAY PANIBAGONG BAWAS-SINGIL SA KURYENTE

Tapyas sa singil dulot ng mas mababang ancillary service charges, mga buwis MAYNILA, PILIPINAS, 11 SETYEMBRE 2026-Sa ikalawang sunod na buwan, magpapatupad ulit ang Manila Electric Company (Meralco) ng bawas-singil sa kuryente. Nasa P0.0409 kada kWh ang pagbaba ngayong Setyembre kaya nasa P14.7424 kada kWh ang kabuuang rate para sa isang pangkaraniwang pamilya. “Para sa mga residential customer ng Meralco na kumokonsumo ng 200 kWh, ang bawas-singil na ito ay katumbas ng humigit-kumulang P8 na tapyas sa kabuuang bill sa kuryente,” ani Joe R. Zaldarriaga, Meralco Vice President at Head…

Read More

PNP AND MERALCO TEAM UP TO STOP POWER THEFT

MANILA, 10 September 2026 — The PNP and Meralco are now working side by side to go after people who steal electricity — the jumpers, the tampered meters, and the wires and cables taken from power lines. The teamwork is covered by an agreement signed at Camp Crame last 8 June by PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. and Brig. Gen. Matthew P. Baccay, together with Meralco officials Ronnie L. Aperocho and Jerry B. Lao. It renews an earlier deal from December 2024 and puts the PNP and utility…

Read More

QUIMBO TAHIMIK SA PAGKASO KAY ROMUALDEZ

NANANATILING tahimik si dating Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo sa gitna ng mga kinakaharap na kaso ni dating House Speaker Martin Romualdez. Para kay dating senatorial candidate Dr. Richard Mata, dapat magkomento si Quimbo, lalo pa’t siya ang nagsilbing acting chairperson ng House Committee on Appropriations sa ilalim ni Romualdez. “Stella Quimbo was the acting head of the House Committee on Appropriations under Martin’s leadership. We need her comment,” sabi ni Dr. Mata sa isang Facebook post. Dating kinatawan ng 2nd District ng Marikina mula 2019 hanggang 2025, nagsilbi…

Read More

GOBERNADOR SUSUWAYIN SI PBBM DAHIL SA PULITIKA?

PINANGANGAMBAHANG madiskaril ang tulong na bahagi ng Handog ng Pangulo program ni Pangulong Bongbong Marcos, sa Kabikulan na isa sa mga target ng programa dahil umano sa pulitika. Simultaneous ang gagawing pamamahagi ng tulong sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa darating na Lunes, September 14, at dahil hindi mapupuntahan nang personal ni Pangulong Marcos ang lahat kaya naman nagbigay ito ng direktiba sa kanyang Presidential Management Staff (PMS) na magpadala ng kanyang kinatawan sa isa sa mga lalawigan sa kabikulan “handpicked” ni Pangulong Marcos ang nasabing opisyal. Subalit ang…

Read More

PNP, PINURI NG ADUANA SA NASABAT NA P960-M SMUGGLED CIGARETTES

PINURI ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel F. Nepomuceno ang Philippine National Police (PNP) matapos masabat ang 15 container trucks na naglalaman ng tinatayang P960 milyong halaga ng hinihinalang smuggled cigarettes sa Bataan at Pampanga. Ayon kay Commissioner Nepomuceno, naging mahalaga ang pagiging mapagmatyag at mabilis na pagkilos ng PNP at iba pang police units na sangkot sa intelligence operations upang mapigilan ang pagbiyahe ng kontrabando patungo sa target nitong destinasyon. “Malaking bagay ang kontribusyon ng ating kapulisan sa ating kampanya laban sa smuggling. Habang binabantayan ng BOC ang…

Read More