DPWH BULACAN NAGSAGAWA NG FLOOD MITIGATION OPERATION INSPECTION

UPANG direktang matugunan ang matinding pagbaha sa mga mabababang komunidad, pinangunahan nina Gobernador Daniel R. Fernando at Kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Vince Dizon ang joint inspection sa Barangay Iba, Hagonoy, Bulacan noong Oktubre 12, na nakatuon sa mga aktibong operasyon ng dredging at sa planong muling buhayin ang abandonadong pumping station dito. Kasama sina Hagonoy Mayor Ma. Rosario Sy-Alvarado-Mendoza at Barangay Captain Kim Robles, isinagawa ang pagbisita sa lugar upang masuri ang patuloy na operasyon, matiyak ang agarang tulong para sa mga residente, at mapunan…

Read More

MALACAÑANG PUMATOL: BASHERS KAILANGAN NG “BALDE-BALDENG UTAK”

NIRESBAKAN ng Malacañang ang mga kritiko ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tumawa sa kanyang payo sa publiko na bumili ng mga balde at mag-ipon ng tubig bilang paghahanda sa inaasahang Super El Niño. Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro na sa halip na batikusin ang pahayag ng Pangulo, mas makabubuting unawain muna ng mga kritiko ang kabuuang plano ng pamahalaan. Ayon kay Castro, kailangan umano ng mga kritiko ng “balde-baldeng utak” upang maintindihan ang mga hakbang na inihahanda ng administrasyon.…

Read More

SENATE IMPEACHMENT COURT, PINAYAGANG I-DROP ANG 3 ARTICLES LABAN KAY VP SARA

PINAYAGAN ng Senate impeachment court ang House prosecution panel na pormal na bawiin ang tatlo sa apat na impeachment articles laban kay Vice President Sara Z. Duterte upang ituon ang paglilitis sa Article II, na tumatalakay sa umano’y unexplained wealth, maling deklarasyon sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN), at mga ipinagbabawal na business interest. Inaprubahan ni Impeachment Court Presiding Officer Senator Francis “Chiz” Escudero ang manifestation ng prosecution matapos nitong tapusin ang paghaharap ng ebidensiya sa ika-39 na araw ng impeachment trial. “Given the foregoing, the court…

Read More

P700M HALAGA NG BIGAS MULA VIETNAM, NASABAT; PANGILINAN, PINURI BOC, DA AT NAVY

PINURI ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan ang Bureau of Customs (BOC), Department of Agriculture (DA) at Philippine Navy sa pagkakasabat sa dalawang cargo vessel na may kargang tinatayang 20,000 metric tons ng bigas mula Vietnam na nagkakahalaga ng ₱700 milyon dahil sa mga kwestyonableng dokumento at kinanselang sanitary at phytosanitary permits. Ayon sa ulat, naharang ng Philippine Navy at BOC ang MV Tay Son 2 sa Davao City noong Setyembre 17, 2026, na may kargang 12,500 metric tons ng bigas, at ang MV Lucky Star noong Setyembre 21, na may…

Read More

Sa pinaigting na anti-criminality campaign EPD NAKAPAGTALA NG 12% DECLINE SA KRIMEN

BUMABA ng 12.62% ang naitalang krimen sa nasasakupan ng Eastern Police District (EPD) sa loob ng kahalintulad na linggo noong nakaraang buwan bunsod ng pinaigting na kampanya laban sa krimen. Batay sa inilabas na datos, 103 ang naitalang krimen mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 4, 2026, ngunit 90 na lamang ang naitala mula Oktubre 4 hanggang Oktubre 11, 2026, o 13-incident decrease. Isa sa kapansin-pansing insidente ay ang mabilis na pagkakahuli sa isang suspek ng pagnanakaw ng photographic gadgets at mga kagamitan na nagkakahalaga ng P1.9 milyon sa Mandaluyong City.…

Read More

76 foreign nationals arestado POGO HUB MALAPIT SA CAMP AGUINALDO, SINALAKAY

NASA 76 foreign nationals ang dinakip sa magkasanib na operasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Bureau of Immigration (BI) sa isang hinihinalang ilegal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Barangay Socorro, Cubao, Quezon City, malapit sa Camp Aguinaldo. Ayon sa ulat ng AFP, karamihan sa mga naaresto ay Chinese nationals na hinihinalang lumabag sa mga batas sa imigrasyon at sa Anti-POGO Act of 2025. Kinumpirma ni AFP spokesperson on West Philippine Sea Rear Adm. Roy Vincent Trinidad ang pagsasagawa ng operasyon kasama ang mga operatiba…

Read More

P199-B REALIGNMENT SA 2027 BUDGET BILL SISILIPIN NG SENADO

SISIYASATIN ng Senado ang halos P199 bilyong pondong iniulat na ni-realign ng Kamara sa panukalang 2027 national budget upang matiyak kung naaayon sa mga prayoridad ng pamahalaan ang mga pagbabago sa alokasyon. Sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian na partikular nilang bubusisiin ang mga pagbawas sa foreign-assisted projects, na aniya ay kailangang bigyang-prayoridad dahil sa lumalaking bayarin sa penalty at interes. Kabilang sa mga proyektong tinukoy niya ang Metro Manila Subway at mga commuter rail project na inaasahang makatutulong sa pagpapabuti ng sistema ng transportasyon. Batay sa paunang impormasyong natanggap…

Read More

Sa kaso ng helmet violation LTO KAILANGANG PATUNAYAN BATAYAN SA SUSPENSYON NG LISENSYA

MAAARING pagmultahin si Quezon City Councilor Rannie Ludovica dahil sa umano’y paglabag sa batas na nag-uutos sa pagsusuot ng motorcycle helmet, ngunit kailangan pang patunayan ng Land Transportation Office (LTO) ang sapat na batayan kung sususpendihin ang kanyang lisensya, ayon kay Lawyers for Commuter Safety and Protection (LCSP) founder Atty. Ariel Inton. Ito ay kasunod ng pag-isyu ng LTO ng show cause order laban kay Ludovica dahil sa umano’y paglabag sa Republic Act No. 10054 o Motorcycle Helmet Act of 2009, na nag-aatas sa lahat ng motorcycle rider, kabilang ang…

Read More

IPON BALDE NI PBBM PRAKTIKAL – WIN

SINUPORTAHAN ni Senate President Sherwin Gatchalian ang panawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa publiko na maghanda ng mga balde upang makapag-ipon ng tubig-ulan bilang paghahanda sa inaasahang epekto ng Super El Niño. Ayon kay Gatchalian, mahalagang samantalahin ang mga pag-ulan upang makapag-imbak ng tubig na maaaring gamitin sa panahon ng matinding tagtuyot at posibleng pagkaantala ng suplay ng tubig. Sinabi rin ng senador na makatutulong ang panukala ng Pangulo sa mga negosyong nagtitinda ng balde, kasunod ng mga ulat ng pagtaas ng kanilang benta. Tiniyak naman ni Gatchalian…

Read More