SINIMULAN na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang public interview sa mga aplikante para sa nababakanteng posisyon ng Associate Justice ng Supreme Court (SC) kaugnay ng nakatakdang compulsory retirement ni Associate Justice Amy C. Lazaro-Javier sa Nobyembre 16, 2026. Unang sumalang sa panayam sina Bureau of Immigration Deputy Commissioner Aldwin Alegre at Legal Education Board Chairperson Jason Rueda Barlis. Sa hapon naman ay humarap sa JBC sina Sandiganbayan Presiding Justice Geraldine Faith Econg at Court of Appeals Associate Justice Lily Villareal Biton. Dumalo rin sa public interview ang mga…
Read MoreCategory: BALITA
PBBM SINERTIPIKAHANG URGENT OFW REINTEGRATION ACT
MAAARING mapabilis ang pagpasa sa panukalang OFW Reintegration Act matapos i-certify bilang urgent ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang bersiyon ng Senado ng panukala, ayon kay Albay Rep. Adrian Salceda. “Malaking bagay po ang certification ng Pangulo para matapos na natin ito sa Kongreso,” ani Salceda. Layunin ng panukala na matulungan ang mga umuuwing overseas Filipino worker (OFW) na makapagsimulang muli sa trabaho at kabuhayan sa bansa. Noong Hunyo 30, 2025, unang araw ng 20th Congress, inihain ni Salceda ang House Bill No. 50 na naglalayong magtatag ng mga…
Read MoreSa inaprubahang P7.2T 2027 budget KAMARA PINALAKI PONDO PARA SA SUPER EL NIÑO
INAPRUBAHAN ng House of Representatives sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang P7.2-trilyong pambansang budget para sa 2027, na naglalaman ng karagdagang pondo para sa agrikultura, kalusugan, edukasyon, transportasyon at iba pang serbisyong panlipunan, kabilang ang paghahanda sa inaasahang epekto ng Super El Niño. Sa botong 281 pabor, 13 tutol at isang abstention, pasado ang House Bill No. 10858 o ang panukalang 2027 General Appropriations Bill (GAB). Ayon kay House Committee on Appropriations Chairperson at bill sponsor Mikaela Angela Suansing, layunin ng mga amyenda sa bersiyon ng Kamara na tugunan…
Read More448 PANUKALANG BATAS NAIPASA NG KAMARA; UMAKSYON SA 32 PRAYORIDAD NG LEDAC
NAIPASA ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang 448 panukalang batas at umaksyon sa 32 sa 61 prayoridad na panukala ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) bago mag-recess ang Kongreso, ayon kay House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III nitong Lunes. Sinabi ni Dy na kabilang sa mga pangunahing tinutukan ng Kamara ang edukasyon, proteksyon sa mga bata, tulong sa mga overseas Filipino worker (OFW), serbisyong pangkalusugan para sa mga senior citizen at iba pang panukalang naglalayong tugunan ang pangangailangan ng mga pamilyang Pilipino. Sa pinakahuling ulat,…
Read MorePhilHealth, BJMP Seal Partnership to ExpandHealthcare Access for Persons Deprived of Liberty
The Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) and the Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) have signed a Memorandum of Agreement (MOA) to ensure that Persons Deprived of Liberty (PDLs) across the country are registered with PhilHealth and can access comprehensive healthcare benefits. This agreement is expected to strengthen healthcare delivery for more than 80,000 PDLs in 28 BJMP facilities nationwide through the accreditation of BJMP clinics and the provision of PhilHealth benefits including services under the YAKAP program. The MOA was signed by PhilHealth Acting President and Chief Executive…
Read MoreSa pagbusisi sa bank at tax records ni VP Sara EXPERT WITNESS ‘DI TAKOT MAKASUHAN
TINIYAK ni Atty. Alexander Cabrera, forensic accounting expert witness ng House Prosecution Panel, na hindi siya natatakot sa posibilidad na makasuhan, makulong o pagmultahin kaugnay ng pagsusuri sa tax at bank records nina Vice President Sara Duterte at asawang si Atty. Manases “Mans” Carpio. Sa pagpapatuloy ng impeachment trial sa Senado, nanindigan si Cabrera sa kanyang forensic report na nagsasaad na nasa 20 porsyento lamang, sa karaniwan, ng mga ari-arian ni Duterte ang idineklara nito sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN). Inilahad din sa kanyang pagsusuri…
Read MoreOMBUDSMAN REMULLA, IBINIDA MGA NAGAWA SA UNANG TAON SA PUWESTO; 52 SANGKOT SA FLOOD CONTROL SCAM KINASUHAN
IBINIDA ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla ang mga nagawa ng Office of the Ombudsman sa unang taon niya sa puwesto, kabilang ang pagsasampa ng mga kaso laban sa mga indibidwal na umano’y sangkot sa mga iregularidad sa flood control projects. Ayon kay Remulla, nasa 52 indibidwal na ang nahaharap sa mga kaso kaugnay ng kontrobersiya. Kabilang sa mga kinasuhan ang isang nakaupong senador, isang dating senador, apat na kongresista, isang dating House Speaker, isang dating kalihim, 33 kawani ng Department of Public Works and Highways (DPWH), walong kontratista at…
Read MoreEX-DICT CHIEF OF STAFF NA DATING TAUHAN NI ESTELLA QUIMBO, ITINURO SA PAGKATANGGAL KAY AGUDA
ITINURO ang dating chief of staff ni dating Marikina 2nd District Representative Stella Quimbo na si dating Undersecretary Christina Faye Condez De Sagon bilang dahilan umano ng pagkakatanggal sa puwesto ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Henry Aguda. Ayon sa mga ulat, nadawit si De Sagon, na dating tauhan ni Quimbo at dating chief of staff ni Aguda, sa umano’y mga paglabag sa bidding rules na nagresulta sa kanyang pagkakatanggal noong Agosto 2026. Kinumpirma naman ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tinanggap niya ang pagbibitiw ni…
Read MoreSANGKAP NG PAMPASABOG, NATAGPUAN MALAPIT SA CAMP CRAME
NAALARMA ang ilang residente sa Barangay West Crame nitong Lunes ng umaga makaraang matuklasan ang sangkap ng pampasabog sa basurahan. Sa isinagawang phone interview ng PNP Press Corps kay PCol. Anthony Gantang, chief of police ng San Juan City Police Station, natuklasan ng isang garbage collector ang isang sako sa basurahan sa isang residential area sa Brgy. West Crame. Nang buksan ang nasabing sako ay bumungad ang ilang explosive materials, tinatayang 300 metro ang layo sa Camp Crame. Ayon pa kay Gantang, ang nadiskubreng explosive materials ay halos mga gamit…
Read More