ECHAGUE, Isabela — Opisyal nang inilunsad ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang unang yugto ng LegisHear, isang programa ng House of Representatives na naglalayong ilapit ang Kongreso sa mamamayan sa pamamagitan ng mga konsultasyon sa iba’t ibang panig ng bansa. Isinagawa nitong Biyernes ang inagurasyon ng programa sa Isabela State University, kung saan dumalo ang mga kinatawan mula sa sektor ng agrikultura, pangingisda, edukasyon, kabataan at lokal na pamahalaan, kasama ang humigit-kumulang 19 na ahensya ng pambansang pamahalaan. Ayon kay Dy, ang LegisHear ay pagpapatuloy ng layunin ng…
Read MoreCategory: METRO
REP. ORDANES KAY PBBM: SENIOR CITIZENS HUWAG ISANTABI
NANAWAGAN si Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bigyang-prayoridad ang dalawang panukalang batas para sa kapakanan ng mga senior citizen. “Kami po ay malapit na sa finish line, marami ang nasa departure area na ng buhay at malapit nang magpantay ang mga paa,” ani Ordanes. Ayon sa mambabatas, wala umanong nabanggit ang Pangulo sa kanyang State of the Nation Address (SONA) tungkol sa konkretong plano para sa senior citizens. “Kami ay tila nakalimutan ng ating Pangulo. Wala kaming nakitang pag-asang mabibigyan ng sapat…
Read MoreSa makasaysayang kampanya sa Wimbledon KAMARA PINARANGALAN SI ALEX EALA
PINAGTIBAY ng Kamara de Representantes ang House Resolution No. 1190 bilang pagkilala kay Alexandra “Alex” Eala sa kanyang makasaysayang kampanya sa Wimbledon Championships, kasabay ng panibagong malaking tagumpay ng Filipina tennis star sa internasyonal na torneo. Kinilala sa resolusyon si Eala bilang kauna-unahang Pilipino na umabot sa Round of 16 ng isang Grand Slam singles tournament sa Wimbledon. Kasabay ng pagpapatibay ng resolusyon, tinalo ni Eala ang defending champion ng Washington Open na si Leylah Fernandez upang umabante sa quarterfinals, na lalo pang nagpatingkad sa itinuturing na pinakamahusay na season…
Read MoreLEGALIDAD NG PAX SILICA HANDANG SURIIN NG DOJ
HANDA ang Department of Justice (DOJ) na suriin ang mga kasunduan at legalidad ng Pax Silica initiative kung kinakailangan, kasunod ng mga pangamba ng ilang sektor hinggil sa transparency at posibleng epekto nito sa mga komunidad. Ayon kay Justice Undersecretary Nicholas Felix Ty, nananatili muna itong usaping pang-ekonomiya at nasa ilalim ng mga ahensyang may direktang mandato sa proyekto. Gayunman, sinabi niyang nakahanda ang DOJ na busisiin ang mga legal at konstitusyonal na usapin kaugnay ng inisyatiba sakaling ito ay mapasailalim sa hurisdiksyon ng kagawaran. Ang Pax Silica ay isang…
Read MoreEO 211 NILAGDAAN NI PBBM PARA PALAKASIN LOKAL NA PAGGAWA NG ELECTRIC VEHICLES
NILAGDAAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Executive Order (EO) No. 121, na lumilikha sa Electric Vehicle Incentive Strategy (EVIS) Program upang palakasin ang lokal na paggawa ng electric vehicles (EVs) at makahikayat ng mas maraming pamumuhunan sa industriya ng sasakyan sa bansa. Nilagdaan ang EO noong Hulyo 29. Sa ilalim nito, magkakaloob ng mga insentibo sa mga kumpanyang gagawa sa Pilipinas ng hybrid at battery electric passenger vehicles, commercial vehicles, at kanilang mga piyesa. Layunin ng EVIS Program na mapalawak ang lokal na produksyon ng EVs, makalikha ng…
Read MoreVILLAR IKINATUWA PAGSASABATAS NG LAST MILE AT GIDA SCHOOLS ACT
IKINATUWA ni Senador Mark A. Villar ang pagsasabatas ng Republic Act No. 12321 o Last Mile and Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA) Schools Act, na layong palawakin ang access sa dekalidad at inklusibong edukasyon para sa mga mag-aaral sa pinakamalalayo at pinaka-nangangailangang komunidad sa bansa. Bilang co-author ng panukala, sinabi ni Villar na mahalagang reporma ang batas upang mabawasan ang agwat sa kalidad ng edukasyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Sa ilalim ng batas, ang Last Mile at GIDA schools ay tumutukoy sa mga pampublikong paaralang nasa geographically…
Read MorePOST-SONA DAVAO TRIP NI PBBM, PATUNAY NG PAMAMAHALANG WALANG PINAPABORAN – RECTO
IGINIIT ni Executive Secretary Ralph Recto na ang pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Davao Region isang araw matapos ang kanyang State of the Nation Address (SONA) ay sumasalamin sa pamamahalang “fair and without favoritism.” Sa kanyang pagbisita, pinangunahan ng Pangulo ang pamamahagi ng halos P133 milyong halaga ng agricultural machinery, farm inputs at fisheries assistance sa Davao de Oro, ininspeksyon ang Davao de Oro Provincial Hospital-Montevista, at nag-turn over ng P113 milyong Socio-Civic Projects Fund assistance para sa 565 barangay sa tatlong lalawigan sa Davao Region. Bumisita…
Read MoreDOJ TINIYAK MAHIGPIT NA PAKIKIPAGTULUNGAN SA OMBUDSMAN SA KASO NG FLOOD CONTROL PROJECTS
TINIYAK ng Department of Justice (DOJ) ang mahigpit na pakikipagtulungan sa Office of the Ombudsman upang makabuo ng matitibay na kasong may kaugnayan sa umano’y maanomalyang flood control projects. Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, layunin ng dalawang ahensya na makapaghain ng mga kasong nakabatay sa matibay na ebidensya at makatatayo sa korte. Sinabi ni Martinez na umaayon ito sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na papanagutin ang mga opisyal na sumira sa tiwala ng publiko. Batay sa ulat,…
Read MoreMARCOLETA AT JINGGOY, NASA HURISDIKSYON NA NG SANDIGANBAYAN – MALAKANYANG
SINABI ng Malakanyang na nasa hurisdiksyon na ng Sandiganbayan sina Sen. Rodante Marcoleta at Sen. Jinggoy Estrada kaya ang anomang magiging desisyon ng Senate impeachment court sa kanilang pagdalo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ay hindi mananaig. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro, nasa Sandiganbayan na ang kapangyarihan kaugnay ng katayuan ng dalawang senador. Nauna nang hiniling ni Marcoleta, na nakaditine dahil sa kinahaharap na kasong plunder, sa impeachment court na humanap ng paraan upang makalahok sila ni Estrada…
Read More