IPATATAWAG ni Senator Erwin Tulfo ang mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) sa pagdinig ng Senado kaugnay ng umano’y lumalalang fuel smuggling sa bansa. Ayon kay Senator Tulfo, chairman ng Senate Committee on Energy, nais niyang busisiin ang mga ulat ng smuggling ng oil products sa mga pantalan sa Cagayan de Oro, Cebu, at Batangas. Batay sa mga ulat, madalas umanong minamali ang deklarasyon sa dami ng inaangkat na langis upang makaiwas sa tamang pagbabayad ng buwis. Sinabi pa ng senador na may ilang personnel ng BOC na umano’y…
Read MoreCategory: METRO
8 CYBERCRIME SUSPECTS TIMBOG SA UNANG ARAW NG HULYO
NASAKOTE ang walo katao sa magkahiwalay na operasyon ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) sa unang araw ng Hulyo bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa cybercrime. Ayon sa PNP-ACG, limang suspek ang naaresto sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng mga kasong cyber libel, anti-photo and video voyeurism, at estafa. Tatlo pa ang nadakip sa entrapment operations dahil sa online scam, robbery, grave threats, at estafa. Bukod dito, anim na kasong cybercrime ang isinampa ng PNP-ACG habang nagsagawa rin ito ng 59 cyber patrol operations, na…
Read MorePLUNDER CASE VS. MARCOLETA WALANG KINALAMAN SA VPSD IMPEACHMENT – BARBERS
NILINAW ng House prosecution panel na walang kaugnayan ang inaasahang kasong plunder laban kay Senador Rodante Marcoleta sa nalalapit na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Senado. Ayon kay dating Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, tagapagsalita ng House prosecution panel at impeachment trial adviser, magkaibang usapin ang dalawang isyu at hindi dapat bigyan ng maling interpretasyon. Ang pahayag ni Barbers ay kasunod ng mga espekulasyon na ang reklamong isasampa laban kay Marcoleta ay bahagi umano ng “coordinated effort” upang mapigilan itong makalahok sa impeachment trial. “Well,…
Read MoreBATAS LABAN SA NIHILISTIC VIOLENT EXTREMISM HIRIT SA KONGRESO
UMAPELA ang Department of Justice (DOJ) sa Kongreso na gawing prayoridad ang pagpasa ng isang hiwalay na batas laban sa nihilistic violent extremism kasunod ng madugong pamamaril sa Tacloban City na ikinasawi ng tatlong estudyante at ikinasugat ng mahigit 20 iba pa. Ayon kay Justice Undersecretary Nicholas Felix Ty, bagama’t maaaring gamitin ang mga umiiral na batas sa pag-iimbestiga sa kaso, mas magiging epektibo kung may isang komprehensibo at partikular na batas na nakatuon sa ganitong uri ng krimen. “Dapat, sa tingin namin, ma-prioritize ito. Bagama’t magagawan natin ng paraan…
Read MoreBasta may arrest warrant CIDG HANDANG ARESTUHIN KAHIT HIGH-RANKING OFFICIAL
HANDA ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na ipatupad ang anomang warrant of arrest na ilalabas ng korte laban sa sinumang high-ranking government official. Sa pulong-balitaan sa Camp Crame, sinabi ni CIDG-NCR Director PCol. John Guiagui na bahagi ng kanilang mandato ang pagpapatupad ng warrant of arrest, anuman ang posisyon ng taong nasasangkot. Nang tanungin kung paano nila haharapin ang posibilidad na maglabas ng warrant of arrest laban kay Senador Rodante Marcoleta kaugnay ng inaasahang kasong plunder, sinabi ni Guiagui na mangangailangan ito ng masusing paghahanda hindi lamang ng…
Read MoreCAYETANO MULING NANAWAGAN NG AGARANG AKSYON LABAN SA CHILD STUNTING
KASABAY ng pagsisimula ng Nutrition Month ngayong Hulyo, muling nanawagan si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa pamahalaan na paigtingin ang mga hakbang laban sa child stunting. Ang panawagan ay kasunod ng ulat ng Department of Science and Technology–Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) na tumaas sa 25.3% noong 2025 ang stunting rate ng mga batang limang taong gulang pababa mula sa 23.6% noong 2023. Ito ang unang pagtaas ng child stunting sa nakalipas na isang dekada, na nangangahulugang isa sa bawat apat na batang Pilipino na edad limang…
Read MoreSUSUNOD NA AFP CHIEF OF STAFF, MAHIHIRAPANG TAPATAN SI BRAWNER — GIBO
AMINADO si Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. na mataas ang pamantayang iiwan ni AFP Chief of Staff General Romeo S. Brawner Jr. para sa susunod na mamumuno sa Armed Forces of the Philippines. Ayon kay Teodoro, malaking hamon para sa susunod na AFP chief ang ipagpatuloy ang mga repormang sinimulan ni Brawner. “Gen. Romeo Brawner Jr. has set a high standard for the next chief of staff of the Armed Forces of the Philippines,” ani Teodoro. Sa panayam matapos ang pagdiriwang ng ika-79 anibersaryo ng Philippine Air Force, tumanggi…
Read MoreINC RALLY HINDI BANTA SA SEGURIDAD, PERO AFP NAG-RED ALERT PA RIN
TINIYAK ng Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na wala silang namomonitor na banta sa pambansang seguridad kaugnay ng kilos-protesta ng Iglesia ni Cristo (INC), kahit inilagay sa Red Alert Status ang ilang yunit ng militar. Ayon kay Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr., normal at bahagi lamang ng routine security measures ang pagdedeklara ng red alert. “Routine lang naman ‘yan. There is ongoing coordination with the PNP, at ang AFP ay support lamang sa PNP upang mapangalagaan ang katahimikan,” ani Teodoro. Nauna ring…
Read MoreCAYETANO SA LAW ENFORCERS: IGALANG ANG MAPAYAPANG PROTESTA
NANAWAGAN si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa mga law enforcers na igalang ang karapatan ng mga Pilipino sa mapayapang pagtitipon sa gitna ng ginanap na rally sa EDSA bilang suporta kay Senador Rodante Marcoleta. Sa isang Facebook broadcast nitong Hunyo 30, hinikayat ni Cayetano ang mga awtoridad na pairalin ang maximum tolerance at tiyaking malayang maipahahayag ng mga raliyista ang kanilang paninindigan. “Ang pakiusap sa ating law enforcers, not only maximum tolerance, respect the right for peaceful protest. Ang hinihingi po natin ay sundin ang Konstitusyon,” ani Cayetano.…
Read More